NABIGYAN ng ibang kulay ang pagsasama nina Claudine Barretto at Ruffa Gutierrez sa pictorial para sa isang glossy magazine.
Hindi naman lingid sa showbizlandia na kailan lang ay nagkaroon ng isyu between Claudine’s elder sister na si Gretchen Barretto at Ruffa.
Inakusahan ni Gretchen si Ruffa na nakikisawsaw sa Barretto Family Feud o BFF). But after that, nanahimik na si Gretchen habang may ilang mga naglabasang interbyu kay Ruffa hanggang sa lumabas na nga ang pagsasama nina Ruffa at Claudine sa isang project.
Gaya ng sinabi ni Ruffa, wala naman kasi silang gap ni Claudine at bukod diyan, feeling namin mas pipiliin ni Claudine na ‘wag makialam sa isyu nina Ruffa at Gretchen. Mas marami siyang dapat pagkaabalahan kesa makisawsaw pa.
For sure, magiging abala si Clau sa gagawin nilang pag-remember sa kanilang daddy na si Mike Barretto na namatay kamakailan lang.
Sana naman ay sundin na ng magkakapatid na Barretto ang hiling ng kanilang inang si Mommy Inday na “mag-ceasefire” muna hanggang sa ika-40 days ng araw ng kamatayan ng Barretto patriarch. We’ve heard na ngayon pa lang talaga napi-feel ni Claudine ang lahat ng nangyari sa pagkamatay ng daddy niya.
Hindi raw kasi naging madali sa kanya na tanggapin especially very close talaga si Claudine sa parents niya. Super hands on ang aktres sa pag-aalaga sa ama noong nasa ospital pa ito. Doon na nga siya halos nakatira that time. At pagkatapos, paano raw maggri-grieve si Claudine e, agad na nagkagulo sa lamay, naipit at nadamay pa siya.
Talagang hirap daw si Claudine na tanggapin ang lahat. Mabuti na lang may mga kaibigan siya na tumutulong to cope with what happened by reminding her to be strong and focus on her mom, her kids and most of all, herself.
So now, dina-divert muna niya ang isip sa pagda-diet, treatments, exercise at pagpapaganda para sa kanyang pagbabalik-pelikula, kasama na riyan ang reunion movie nila ni Piolo Pascual. At the same time, gusto rin pala ni Claudine na magkaroon ulit ng teleserye at sana raw ay matuloy na ang movie na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos.