INAABANGAN na ang pagbabalik ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa big screen via her first ever indie film titled “Yours Truly Shirley” na isa sa official entries sa ika-15 edisyon ng Cinema One Originals.
Hindi naman nakapagtataka na naging bantulot si Regine na gawin ‘yung movie tulad nga ng nasabi niya sa kapatid at manager na si Cacai Velasquez-Mitra.
We heard about the news na nag-first shooting day na si Regine for the said movie last month pa. Kaya nu’ng may official announcement na, ‘di na kami nagulat.
But how true na ‘di raw si Regine ang original choice para sa “Yours Truly Shirley.” And guess kung sino ang unang nai-consider? Ayon sa aming source, si Megastar Sharon Cuneta ang unang inalok for this film. Pero tinanggihan umano ni Mega. Knows kaya ‘to ni Regine?
Ang tsika pa ng source namin, ayaw na raw munang gumawa ni Mega ng indie film. Baka raw na-trauma na siya after what happened to her film at sa ‘di magandang experience daw na sinapit niya sa Cinemalaya.
Anyway, maganda naman ang role niya sa movie sabi ni Regine sa grand media launch ng Cinema One Originals na magsisimula on Nov. 7 hanggang 17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway, at Powerplant Makati City.
Mapapanood din ito sa Vista Cinemas sa Iloilo at Evia Lifestyle at sa Cinema Centenario, Cinema ‘76, Black Maria, UP Cine Adarna, at FDCP Cinematheque Manila. Kasama ni Regine sa movie niya sina Denise Padilla at Rayt Carreon na magpi-premiere on Nov. 10, 9:45 p.m. sa Trinoma.
Bukod sa “Yours Truly Shirley,” ang iba pang pelikulang kasali sa Cinema One Originals ay ang pelikula ni J.E. Tiglao na “Metamorphosis” starring Ivan Padilla, Iana Bernardez, Yayo Aquila and Ricky Davao; “Utopia” ni Dustin Celestino kung saan bida sina Joem Bascon, Enzo Pineda at Ahron Villena; “Tia Madre” ni Eve Baswel with Jana Agoncillo and Cherie Gil; “Lucid,” ni Victor Villanueva starring Alessandra de Rossi and JM de Guzman; “O” ni Kevin Dayrit na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis; “Sila-Sila” ni Giancarlo Abrahan with Gio Gahol and Topher Fabregas; at “Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo” ni Denise O Hara starring JC Santos and Jane Oineza.