Magnitude 5.0 naramdaman sa Cotobato

NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Cotabato ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:07 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 18 kilometro sa silangan ng Makilala, Cotabato at may lalim na dalawang kilometro.

Maaari umanong magdulot ng aftershock ang pagyanig na ito.

Nagdulot ito ng Intensity V sa Magsaysay, Davao del Sur. Intensity IV sa Pikit Cotabato; at Bansalan, Davao del Sur.

May naramdaman naman ang mga instrumento ng Phivolcs na Intensity III sa Malungon, Sarangani; at Koronadal City. Intensity II sa Tupi, South Cotabato at Intensity I sa Alabel, Sarangani.

Read more...