HUMINGI ng sorry si Nadine Lustre sa madlang pipol lalo na sa lahat ng na-offend at nagalit sa ipinost ng kanyang tatay sa social media na pinaniniwalaang tungkol kay Kathryn Bernardo.
Ayon sa live in partner ni James Reid, pinagsabihan niya ang amang si Ulysses “Dong” Lustre nang malaman niya ang laman ng Facebook status nito noong Oct. 9, 2019 na sinasabing para raw talaga kay Kathryn.
“I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you’re desperate to break US apart.
“I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around,” bahagi ng FB post ng tatay ni Nadine.
Nag-viral agad ang nasabing post ni Mr. Lustre hanggang sa pangalanan na ng fans na si Kathryn nga ang pinariringgan sa post nito dahil nga in-announce na ang pagiging highest-grossing Filipino film of all time ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn at Alden Richards.
Kasunod na nito ang matinding pamba-bash ng KathNiel fans sa tatay ni Nadine. Pero ayon naman kay Ulysses, wala siyang pinatutungkulan na partikular na tao sa kanyang FB post.
Sa panayam kay Nadine ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ng dalagang late na nang malaman niya ang ginawa ng ama at nang mabasa nga niya ang mga nangyari kinausap niya agad ito.
“Nu’ng nangyari kasi yun, I was off social media, kasi nga I’m taking a break, e. I saw that, I think, after more than a week, we talked about it.
“Pero before he did this, I haven’t talked to him about anything,” aniya pa.
“I’m not my dad, so I don’t… we don’t have the same brain, we don’t think alike.
“Kung sino man yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin.
“But I talked to him about it and I told him na that wasn’t right,” lahad pa ni Nadine.
“We talked about it, wala namang hindi maayos sa magandang pag-uusap,” dagdag pa ng dalaga.