Halloween costume ni Maine sa Bulaga winner!

MAINE MENDOZA

Bago umere ang Eat Bulaga, may pasilip si Maine Mendoza ng Halloween costume na gagamitin niya kahapon para sa programa.

Sa tweet photo na inilabas ng Dubsmash Queen, wala itong mukha pero nang i-zoom in namin ang litrato, parang may paepek siyang dugo sa bandang leeg, huh!

Inilantad ni Meng ang kanyang nakakatakot na itsura sa Eat Bulaga na isa palang zombie!

Anyway, ngayong Sabado sa Daddy’s Gurl, may Undas episode silang handog ni Vic Sotto at isa sa highlight ng episode ay ang pagbisita sa puntod ng ina niyang si Marikit na ginagampanan ni Wally Bayola.

Read more...