Bashers ni TNT grand champion Elaine Duran supalpal, tameme!

ELAINE DURAN

Siguradong tameme at supalpal ngayon ang mga bashers ni Elaine Duran matapos siyang tanghaling grand champion sa Tawag ng Tanghalan Season 3 ng It’s Showtime. Tinalo ng dalaga sa “Huling Tapatan” sina John Mark Saga (second placer) at Michael Dela Cerna (third placer).

Nanalo si Elaine ng P2 milyon cash prize, house and lot at recording at talent contracts mula sa ABS-CBN.

Bago pa man ang grand finals, gumawa na ng kasaysayan sa Elaine sa noontime singing competition nang tanghalin siyang kauna-unahang “TNT record holder,” isang contestant na naging defending champion sa sampung sunod-sunod na araw.

Sa panayam ng entertainment press kay Elaine before the grand finals, sinabi niya na kung siya ang mananalo, muli siyang magdo-donate sa kanilang simbahan.

At ngayong winner na nga siya, tiyak na mababawasan na ang kanyang bashers, lalo na ang mga lumalait noon sa kanyang itsura.

Read more...