Bahay ni Duterte sa Davao City nagkabitak dahil sa magnitude 6.5 na lindol


NAGKABITAK ang bahay ni Pangulong Duterte sa Davao City dahil sa magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Mindanao kaninang umaga.

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go nasa CR si Duterte nang maramdaman niya ang pagyanig pasado alas-9 ng umaga.

Ayon naman kay Presidential Security Group (PSG) Chief BGen Eriel Nembra maayos naman ang lagay ng First Family.

“Hindi naman nag-evacuate pero patignan lang sa mga engineers yung structure para sigurado,” sabi ni Nembra.

Read more...