Ngayong araw ay nagpaskil ng mga poster ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry sa nasabing bus terminal na nag-uutos sa mga bibiyahe na huwag magdala ng pork products upang hindi kumalat ang African swine fever.
“Pagtulungan nating sugpuin ang African Swine Fever. Huwag magdala o magpadala ng anumang uri ng karneng baboy,” ang nakasulat sa poster. “Maaaring maging sanhi ito ng pagkalat ng ASF virus sa iba’t-ibang probinsiya.”
Ito ang unang beses na naglagay ng nasabing poster sa bus terminal, ani Araneta bus station general manager Ramon Legazpi.
Bubusisiin ang mga bagahe ng mga bibiyahe pag pasok sa terminal upang masiguro na wala silang dalang karneng baboy.
“May mga entances tayo so binubuksan naman natin ‘yung ibang mga bagahe nila so nakiusap pa ang Department of Agriculture for the campaign against dito sa African swine fever,” aniya.
“Ina-advise na nila doon sa mga babiyahe ng meat products ay dapat ma-check ito para hindi natin madala sa probinsya,” dagdag niya.
Sakaling may nakitang pork products sa bagahe ay “isasangguni natin sa police help desk natin, may tauhan din naman ‘yung DA na may station dito para sila mismo ang mag-decide on the matter,” ani Legazpi.