SINABI ng Palasyo na tuloy ang biyahe ni Pangulong Duterte papuntang Thailand kung saan nakatakda siyang umalis bukas para dumalo sa 35th Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit mula Nobyembre 2 hanggang Nobyembre 4.
Idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na patuloy ang pagmomonitor ni Duterte sa kabila ng hindi mapupuntahan ang mga sinalanta ng napakalakas na lindol.
“The Palace reiterates that the President is conscientiously monitoring the situation of the areas affected by the earthquake this morning from his residence at Davao,” sabi ni Panelo.
Ito’y sa harap naman ng mga katanungan kung bibisita si Duterte sa mga apektado ng lindol.
“The President, however, deems it appropriate to refrain from personally inspecting the disaster-stricken areas and directing actions in response to the catastrophe as there are already ongoing operations by the responsible local government units, and they have so far effectively responded to the current critical situation,” dagdag ni Panelo.
Ayon pa kay Panelo, inatasan na ni Duterte ang mga kaukulang ahensiya na tiyakin ang ayuda sa mga biktima ng sunod-sunod na lindol sa Mindanao.
“This, notwithstanding, the President has ordered the national government, through its pertinent bureaus and agencies, to render immediate assistance in whatever form required under the premises,” ayon pa kay Panelo.
Samantala, hindi naman tuloy ang biyahe ni Duterte sa Chile ngayong Nobyembre din matapos naman kanselahin ng presidente ng naturang bansa ang pagho-host ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) matapos sumiklab ang gulo sa kanila.