Heavy damage dulot ng lindol; 3 patay, 8 sugatan

DAVAO CITY— Matinding pinsala ang idinulot ng bagong pagyanig na gumimbal sa mga taga Mindanao Huwebes ng umaga.

Isa ang ground floor ng  gusali sa Ecoland 4000 Residences ang gumuho matapos yumanig ang 6.5-magnitude quake na tumama sa Tulunan, Cotabato alas-9:11 ng umaga.

Sinasabing may apat na katao ang nasugatan sa nasabing insidente habang ilan pa ang pinangangambahang na-trap sa guho.

Sinundan ang 6.5-magnitude na lindol ng apat pang magkakasunod na pagyanig sa loob lamang ng 22 minuto.

Naganap ang pagyanig halos sa katulad na oras nang maganap ang 6.6 magnitude na lindol nitong Martes.

Kinumpirma ng mga awtoridad na tatlo na ang nasawi sa pagyanig, habang walo ang sugatan.

Sa Kidapawan City sa Cotabato province,  tuluyang bumigay ang gusali ng Eva’s Hotel.

Ayon kay Kidapawan Mayor Joseph Evangelista, walang tao sa nasabing otel nang maganap ang pagyanig.

Read more...