Napakalakas na magnitude 6.5 lindol muling naitala sa Cotobato at iba pang bahagi ng Mindanao

MULING inuga ng napakalakas na lindol ang Tulunan, Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa inisyal na earthquake bulletin, sinabi ng Phivolcs na naitala ang magnitude 6.5 lindol 33 kilometro hilagang silangan ng Tulunan, Cotabato, ganap na alas-9:11 ng umaga.

Gumuho ang isang gusali sa Kidapawan City dahil sa pinakahuling pagyanig.

Naiulat din ang mga pinsala sa mga gusali sa Davao City at iba pang bahagi ng Mindanao.

Naitala ang Intensity VII sa Tulunan, Cotabato; Kidapawan City; Bansalan, Davao del Sur at Intensity VI sa Matanao, Davao del Sur.

Kabilang sa mga naitalang intensity ay sa mga sumusunod na lugar:

Intensity VII – Kidapawan City

Intensity V- Malungon, Sarangani

Intensity IV- Kiamba at  Alabel,Sarangani; Tupi, South Cotabato; Koronadal City;

General Santos City

Intensity III – Gingoog City; Cagayan De Oro City

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 2 kilometro.

Nagbabala ang Phivolcs na posibleng maramdaman ang malalakas ba aftershocks at magdulot ng pinsala sa mga imprastraktura.

Read more...