Ai Ai umaming 7 taon naging kabit: Sobrang hirap kaya wag po natin silang husgahan…

AI AI DELAS ALAS

AYAW sumawsaw ni Ai Ai delas Alas sa Barretto sisters’ controversy.

“Naku, maba-bash lang ako. Buti nga nu’ng panahon namin ni Miguel Vera, wala pang social media dahil kung meron, ako na ang superstar sa social media dahil sa bashing sa kalokahan ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Ai Ai nang makausap ng piling members ng press after niyang pumirma ng tatlong taong kontrata sa Kapuso Network.

Open book ang naging relasyon ni Ai Ai sa singer na si Miguel Vera, ama ng mga anak niyang sina Nicollo at Sophia. Pitong taon siyang naging “other woman” ng singer.

“Crayola ako nang Crayola (iyak nang iyak). Mahirap! Siyempre kung ano lang ang time para sa ‘yo yun lang ang ibibigay,” pag-alala ni Ai Ai.

Dagdag pa niya, “Doon ko lang naranasan maging Cavite City (kabit). Hindi ko pa rin naman alam. Alam ko na noong huli pero ginusto ko pa rin so, mali pa rin ako.”

Pag-amin pa niya, “Wala akong peace of mind. Hindi rin naman siya sa ‘yo umuuwi. Sa tunay na asawa pa rin naman siya umuuwi. Mas okey na ‘yung magkaibigan kami. Tahimik. Hindi na ako nakukunsiyensya.”

Saad niya, huwag na lang husgahan ang mga kabit, “Tao rin naman ‘yan, eh. Saka mahirap pag nandoon ka sa sitwasyon na ‘yon lalo na kapag minahal mo ang isang tao.

“Mahirap kumawala sa mga taong mahal mo. Kahit gusto mo, an hirap-hirap, di ba?” paliwanag pa ng Comedy Queen.

Kaya naman itinuturing niyang blessing ang pagkakaroon nila ng relasyon ng asawa niya ngayong si Gerald Sibayan. Payapa na ang mundo niya.

Sa August, 2020, sasailalim na si Ai Ai sa tinatawag na in vitro fertilization para sa magiging anak nila ni Gerald. Magtatrabaho muna siya para sa isang series sa GMA 7 bago magpahinga sa trabaho.

Samantala, sinagot din ni Ai Ai ang balita na malapit na raw magpaalam ang Sunday PinaSaya sa GMA.

“Basta Sabi ng isa sa executive namin, ang sabi niya, ang isagot ko, tuloy ang saya. So, hindi natin alam kung ano yung tuloy ang saya.

“Basta ituloy na lang natin ang saya. Wala pa naman,” aniya.

Pero siyempre, kung totoong mawawala na ang Sunday noontime program ng GMA, “Malulungkot ako kasi apat na taon, maglilimang taon na kami sa August next year. Sino ba, sino ba talaga ang nagkakalat (ng balita)?”

Read more...