NAPAKAHUSAY gumawa ng mga kuwento ng isang pamoso at magandang aktres. Sa biglang tingin ay parang kapani-paniwala ang lahat ng kanyang mga litanya.
May kasama pa kasing pag-iyak ‘yun kung kinakailangan, talagang para siyang nasa harap ng mga camera kung magkuwento, acting na acting siya.
Kuwento ng isang source na hinding-hindi na kailanman maniniwala pa sa mga ikukuwento uli ng magandang female personality, “Naku, naging biktima ako ng hitad na babaeng ‘yun! Akala ko, e, totoo ang lahat ng mga pinagsasasabi niya, pero imbento lang pala!
“Puwede siyang maging scriptwriter kahit ng mga Hollywood movies, kasi, ang galing-galing niya!
Nagagawa niyang kapani-paniwala ang mga kuwentong iniimbento lang naman niya!
“Malawak ang imagination niya, sa totoo lang, kung saan niya hinuhugot ang mga kuwentong pinalalabas niya, e, siya lang ang tanging nakakaalam!” unang chika ng aming impormante.
Sa isang malaking umpukan ay dumating ang magandang aktres. Malungkot na malungkot siya. Nang tanungin ng mga dinatnan niya kung bakit ay bumunghalit kaagad ng pag-iyak ang girl.
Kuwento ng isang source na nandu’n, “Natural, shocking Asia ang lahat ng nandu’n! Anyare nga naman kay girl? Bakit siya umiyak nang umiyak? Ano ba ang problema niya? Meron bang nangloko sa kanya?
Meron bang nambastos sa kanya?
“Magsasalita siya, tapos, bigla na naman siyang iiyak! Quesehodang nakanganga ang lahat sa kanya, e, wala naman siyang masabi! Puro iyak lang ang ginawa niya!
“Alam n’yo ba ang scenariong ‘yun, e, naging malaking issue? Pinaniwala niya ang mga friends niya na totoong binastos siya ng isang taong kilala sa ating lipunan!
“Pero ipakuwento n’yo sa kanya ang buong istorya, e, hindi niya naman maidetalye, kasi, wala naman talagang nangyaring ganu’n!
“Manipulator ang babaeng ‘yun! Kinakaya niyang paikutin sa mga palad niya ang mga taong hindi pa siya masyadong kabisado!
“Pero para sa mga utaw na kilala na siya mula ulo hanggang paa, e waley na siya! Isa na lang siyang magaling na scriptwriter! Ilusyunada ang babaeng ‘yun!” napakadiing kuwento ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguro, napaniwala rin kayo ng babaeng ito nu’n sa kanyang mga kuwento!