Julia hindi kayang wasakin nina Gretchen at Claudine


MAY mga kababayan tayong hindi puwedeng basta manahimik na lang lalo na kapag may mga tao nang nahuhusgahan nang walang kalaban-laban.

Nadikdik nang husto si Julia Barretto sa katatapos lang na away ng kanyang ina at ng kanyang mga tiyahin sa mismong burol ng kanyang Lolo Mike Barretto.

Mas nadiin pa ang magandang young actress nang magkuwento si Claudine na sinampal niya ang kanyang tita sa ikalawang gabi ng lamay. Napakasakit daw nu’n, sabi ni Claudine, dahil parang tunay na anak na nitong itinuring si Julia.

Pero may mga istoryang nakatago lang sa ilalim ng carpet. Sadyang isiniksik sa ilalim ang mga kuwento para hindi lumabas.

Kuwento ng aming source, “Matindi ang sakit kay Julia ng pagkawala ng Daddy Pykie niya, kasi, super-close sila. Alam n’yo ba na nu’ng maospital ang lolo niya sa FEU Hospital, e, si Julia ang mag-isang nag-shoulder ng hospital bill.

“Hindi siya umasa sa kahit kanino, ipinaasikaso niya kay Marjorie ang lahat, kaya ganu’n na lang ang pasasalamat ng lolo niya sa kanya.

“Maganda ang puso ng bata, hindi lang siya mapagbuhat ng sariling bangko, pero alam ng family nila ang mga ginagawa niya.

“Wasakin man siya ngayon ng mismong mga kadugo niya, e, hindi ‘yun magtatagumpay. Alam ng namatay ang kagandahan ng puso ni Julia. Hindi man makapagsasalita ang patay na, e, napakamatimbang nu’n para sa gumawa ng mabuti para sa kanya!” madiing kuwento ng aming source.

Read more...