INGGIT na inggit ang ilang kabataang lalaki sa anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao.
Ikaw na ang regaluhan ng tatay mo ng iyong dream car na nagkakahalaga ng P8.5 million na barya lang naman sa senador! Ayon kay Jimuel, ibinigay ni Pacquiao ang kanyang red Corvette Stingray last month.
“I’ve been saying since dati pa na gusto kong magkaroon ng sarili kong sasakyan tapos nagusap-usap kami kung ano daw ‘yung gusto ko. And I am doing well in school naman,” aniya sa isang panayam.
Dagdag pa niya, “‘Yung kotse na ‘yun mahirap maghanap ng iba ibang colors. Every six months lang dumadating.”
Payo naman sa kanya ng ama pagkabigay ng kotse, “He said just be careful when driving it because it is really a fast car.”
Kumalat sa social media ang litrato na ibinigay ng senador sa anak at karamihan sa nag-comment ay mga kabataang inggit na inggit kay Jimuel, napakaswerte raw niyang anak.