NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na sundin ang tamang pasahod ngayong Undas.
May tatlong holidays ngayong Nobyembre: All Saints Day (Nov 1), All Soul’s Day ( Nov 2) at Bonifacio Day (November 30).
Sa labor advisory no. 1, pinaalalahanan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang mga may-ari ng kumpanya na tumalima sa tamang pasahod para sa kanilang mga workers ngayong holidays
Salig na rin sa proclamation no. 55 na nagdedeklara na special non-working holiday ang November 1 at 2 habang regular holiday naman ang November 30 bilang paggunita sa kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.
Sa guidelines na ipinapabas ng DOLE, hindi makakatanggap ng anumang bayad ang mga workers na hindi papasok sa November 1 at 2 na deklaradong special non-working day.
Ito ay kapag pinili nilang bumisita sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay sa All Saint’s Day at All Soul’s Day kaysa magtrabaho.
Gayunman, ang mga manggagawa na magtatrabaho sa nabanggit na petsa ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsyento sa kanilang arawang suweldo sa unang walong oras. At kung overtime naman ay karagdagang 30 porsyento sa bawat oras na kanyang itatrabaho (Hourly Rate ng basic wage x 130% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho).
Kapag natapat sa rest day ng empleyado ang nabanggit na holiday, dapat magkaroon siya ng karagdagang 50 porsyento ng kanyang basic wage sa unang walong oras o (Basic wage x 150%) + COLA).
Alinsunod sa DOLE guidelines, ang “no work, no pay” principle ay maa-apply maliban kung mayroong favorable company policy, practice o collective bargaining agreement na nagbibigay ng bayad sa isang espesyal na araw.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446