TILA sumuko na si Pia Guanio matapos ma-bash ng fans ni Alden Something dahil hindi nito nabanggit ang name ng actor na isa sa mga presenters sa second runner-up award ng Miss Millennial 2019 noong Sabado.
Ang alalay ni Alden na si Leysam Sanciangco ang nagsimula ng gulo dahil sa kanyang tweet na “Di man lang binangit haha! parang pahabol na lang ah?”
With that ay na-bash nang husto si Pia. Ayun, napilitan siyang mag-post ng message sa kanyang social media account, “Please tell your fans not to get mad na! Wag na mag-away! God bless you all!”
With that ay lalong nagalit ang fans ni Alden. Pinagsabihan nila si Pia na maging careful in hosting at ‘wag kalimutan ang mga kapwa kasama sa show.
“Ms Pia Guanio, when you make a mistake, whether it´s deliberate or not, you give an apology and an explanation. Not ask the one insulted to clean up your mess.”
“Ang tone deaf ng post ni Pia Guanio ano?”
“A simple statement would have explained what may have been an honest lapse and closed the issue. But instead pinasa pa niya yung responsibilidad kay Alden to diffuse the situation. Think before you click, Pia.”
‘Yan ang reaction against Pia na lumabas sa isang website.