Marian tuloy ang pagkilala sa mga ‘little people’

MARIAN RIVERA

Ipinaalala ni Marian Rivera sa publiko na isine-celebrate pa rin natin ang Dwarfism Awareness Month.

Isa ito sa mga adbokasiya ng Kapuso Primetime Queen kaya love na love siya ng mga little people.

Sa kanyang Instagram account, muling kinilala ni Marian ang kahalagahan ng mga bulinggit nating mga kababayan. Nag-post siya ng litrato kasama ang ilang kaibigan niyang may dwarfism condition sa isang event na ginanap sa De La Salle Araneta.

“Happy to share little people’s advocacy in giving awareness about dwarfism. Ate Yan will always be here to support your cause,” caption ni YanYan sa kanyang IG photo.

Read more...