Hindi makapaniwala ang fans ng sikat na Fil-Am YouTube sensation na si SnewJ (na may more than 1 million subscribers na around the world) na makikita nila ito nang personal.
Sumugod talaga sila sa “meet-and-greet” event nito na ginanap sa Nook Coworking Studio sa sossy na Molito Lifestyle Garden mall sa Madrigal Avenue, Alabang last Sunday.
Dinig na dinig namin ang masayang pag-uusap ng fans ni SnewJ habang nasa event. Hindi raw nila akalain na ‘yung pinapanood lang nila sa YouTube ay makikita at makakatsikahan nila nang personal.
Maaga pa lang ay nagdatingan na ang fans sa venue. Then, nu’ng umapir na si SnewJ ay nakipag-kamayan agad ito sa audience with matching pa-games pa.
Knowing how generous SnewJ is sa kanyang mga video, ganoon din ang ginawa niya sa kanyang fans and invited bloggers sa event. Namigay din ang sikat na international vlogger ng prizes na ikinatuwa ng fans.
Ang nakakalurkey, lahat ng tanong ni SnewJ na nasa vlog niya ay nasagot lahat!
One of the questions ay kung ano ang real and full name ni SnewJ. His real name is Sam Newaz, Jr.. His dad is Mexican and former movie director na naka-base na sa US. May dalawang kapatid na babae si Sam sa dad niya at mommy na si Vilma Vitug. At the same time, may half-sibling din si SnewJ sa dad niya.
Sobrang na-touch naman si SnewJ when a young kid (named Mark) entered the venue, nagpakilala talaga siya at gustong bumili ng t-shirt ni SnewJ. But instead of buying SnewJ shirt na may tatak na “No Hesi,” (name ng kanyang show sa YouTube which means No Hesitation), binigyan na lamang niya ito ng tshirt.
Bukod kay Mark, fan at subscriber raw ni SnewJ ang kanyang uncle na nasa loob ng car na naka-park across the street sa tapat ng Nook. Nahihiya raw pumasok ang uncle ni Mark na super shy. At bukod sa shirt na binigay ni SnewJ, inutusan si Mark na bumili pa ng another shirt para sa uncle niya.
One-on-one na kinausap ni SnewJ ang kanyang fans including Mark na nagdala pa ng Thai Tea para sa fave nila na international vlogger. Sobrang natuwa na naman si SnewJ kay Mark kaya binigay niya sa bata ang suot-suot na limited edition na No Hesi cap.
When he had the chance to talk with SnewJ about his reaction on his fans talking about their experience with him na “surreal” that day, na-speechless for a while si SnewJ.
Thanks so much sa butihing ina ni SnewJ, ang dating moviestar na si Vilma Vitug-Jennings na siyang nag-organisa at nag-set-up ng pa-meet-and-greet niya with his fans dito sa Pinas.
All-out talaga ang support ng Mommy Vilma ni SnewJ sa kanya. Katunayan, she was the one who really encouraged SnewJ to come and visit the Philippines again after nine years.
Present din sa event at nagbigay suporta sa mag-ina ang mga kaibigan ni Vilma sa showbiz na si Rowena Ruiz at ang original Miss Boy Language na si Pia Moran.