Claudine pinatay sa socmed: Totoo, dead na dead siya sa pagpapapayat!

CLAUDINE BARRETTO

PINABULAANAN ng manager ni Claudine Barretto na si Bianca Lapus ang kumalat na balitang dead na ang Optimum Star. Nanggaling ang balita from a realtive sa ibang bansa.

Kaya naman agad kaming nag-message kay Bianca to ask what’s the truth behind sa kumalat na balitang dead na si Claudine. Mabilis din kaming sinagot ni Bianca.

“Saan nanggaling yun? Baka po dead na dead sa mga anak niya,” sagot ni Bianca. “Super mahal ni Claudine ang mga anak niya.”

Dead na dead din daw si Claudine ngayon na mag-rebrand at magpapayat bilang paghahanda sa comeback movie niya with Piolo Pascual sa Star Cinema.

Okey na okey daw si Claudine. In fact, naghahanap ito ng lugar para sa planong staycation for the holidays. Also, maglo-launch din sina Claudine at Bianca ng kanilang mommy vlog.

That’s nice. Sana’y magtuluy-tuloy na si Claudine sa pagiging focused sa kanyang career.

Read more...