MAKI-CELEBRATE sa espesyal na birthday party ni Igan ngayong gabi sa Tonight with Arnold Clavio.
Imbitado ang lahat sa masaya at maagang birthday celebration ni Arnold Clavio kasama ang showbiz icon na matagal na niyang gustong ma-interview—si Aga Muhlach!
After nine years ay makakapanayam na sa wakas ni Igan ang minsang itinuring na most bankable actor sa Philippine entertainment industry. Mapigilan kaya niya ang sarili niya sa pagiging “fan boy?”
At dahil unang pagkakataon na maghaharap sina Igan at Aga, kikilalanin pang lalo ng news anchor-TV host ang dating matinee idol sa isang cute game. Pag-uusapan din ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Aga gaya ng asawang si Charlene Gonzales at ang kanyang kambal na anak na sina Atasha at Andres.
Sa larong “Sino?” iri-reveal ni Aga kung sino ang kanyang naging first crush, first love at first kiss! At mauungkat din ang pagiging feeling bagets ni Aga sa question and answer portion tungkol sa mga uso noon at uso ngayon! Ano kaya ang mas gusto niya? Love letter o text message na lang? Mag-shopping sa mall o mag-shopping online? Larong kalye o video games?
At siyempre, hindi puwedeng hindi sumabak si Aga sa tatak-TWAC game na “Nasubukan Mo Na Ba?! Huwag palampasin ang masaya at maagang birthday party ni Igan ngayong Miyerkules sa Tonight With Arnold Clavio, 7:15 p.m., sa GMA News TV.