Ruffa: OK ako sa lahat, wala akong kaaway

RUFFA GUTIERREZ

“Wala akong kaaway.” ‘Yan ang ipinagdiinan ni Ruffa Gutierrez nang matanong tungkol sa friendship nila ni Claudine Barretto.

Ito’y matapos nga siyang tawaging sawsawera ni Gretchen nang dahil lang sa pagko-comment niya sa isang Instagram post ni Julia Barretto.

Sabi ng isang netizen sa comments section ng litratong ipinost ni Ruffa sa IG, “Sana ok kayo ni Claudine” na sinagot naman agad niya ng, “Ok ako sa lahat ng artista. Wala akong kaaway.”

Nag-reply din siya sa isa niyang follower na nagsabing masaya sila na okay pa rin sila ni Claudine kahit na pinatutsadahan siya ni Greta, “For the record, Claudine has always been sweet, polite, and kind to me and my family.”

Kamakailan, ipinagtanggol naman ni Annabelle Rama ang anak laban kay Gretchen. Pero tumanggi na itong magsalita ngayong nananahimik na ang kanilang kaaway.

“It’s not worth it. Pero ‘pag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpapa-under maski kanino, ano? Ayoko nang magsalita pa kasi tumahimik naman siya, e. Kung hindi siya tumahimik, mas mahaba pa ang sasabihin ko,” sey pa ni Annablle Rama sa isang panayam.

Read more...