Greta tuloy ang pang-ookray kay Marjorie; nag-party-party kasama sina Atong at Tonyboy

GRETCHEN AT MARJORIE BARRETTO

MATAPOS mag-post si Marjorie Barretto ng kanilang family photo sa Instagram kasama ang inang si Inday Barretto, tila may sagot pa rin si Gretchen sa kapatid.

Unti-unti nang humuhupa ang iskandalong kinasasangkutan ng magkakapatid na Barretto pagkatapos magsagutan sa social media at ibandera ang kani-kanilang mga baho sa publiko.

Pero mukhang hindi pa rin magpapatalbog si Greta dahil sa kabila nga ng chika na may relasyon sila ng negosyanteng si Atong Ang ay muli itong nag-post ng mga litrato at video nila sa Instagram kasama pa ang kanyang long-time partner na si Tonyboy Cojuangco.

Sama-samang dumalo ang tatlong personalidad sa isang party na in-organize ni CATS Motors chairman Felix Ang.

Sa isang video na ipinost ni Gretchen, makikitang nagpe-perform bilang gitarista si Tonyboy kasama ng isang banda. Bukod dito, ibinahagi rin ni Greta sa Instagram Stories ang litrato ni Atong na tinawag ni Marjorie na “powerful boyfriend” niya.

Sabi ni Gretchen sa photo, “Newly hired spokesperson” with matching shocked emoji na pinaniniwalaang pang-aasar pa rin kay Marjorie at sa pamangkin niyang si Nicole Barretto na sinasabing dating dyowa ng kontrobersiyal na negosyante.

Pambubuking ni Nicole sa kanyang tiyahin, “I’m stating the fact that my own aunt stole my boyfriend.”

Na kinumpirma rin ni Marjorie sa interview ng TV Patrol.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Atong at sinabing magkakasosyo lang sila nina Gretchen at Tonyboy sa iba’t ibang negosyo.

Read more...