Duterte seryoso sa alok kay Robredo na pangunahan ang gera vs droga

SINABI ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na seryoso si Pangulong Duterte sa alok niya kay Vice President Leni Robredo na pangunahan ang gera kontra ilegal na droga.

“The offer is precisely for the Vice President to be the drug czar because as the President says parang magaling ka ata eh di ibibigay ko sa’yo para makita naman natin kung may magagawa kang paraan,” sabi ni Panelo.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nakahanda siyang italaga si Robredo para pangunahan ang kampanya kontra ilegal na droga sa loob ng anim na buwan.

“That’s a challenge to her and I think she should take the opportunity. After all, when we launched the drug war by the President, she was a member of the Cabinet and she was in full accord and in full support of the same,” ayon pa kay Panelo.

Read more...