Palasyo nanawagan sa mga apektado ng magnitude 6.6 na manatiling nakaalerto

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga apektado ng magnitude 6.6 lindol sa Mindanao na manatiling nakaalerto sa harap ng inaasahang pinsalang dulot ng pagyanig.

Kasabay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Legal Counsel Salvador Panelo na nagsasagawa na ang lahat ng kaukulang ahensiya at lokal na pamahalaan ng rescue at relief operation.

“The National Government, through the National Disaster Risk Reduction and Management Council and the Office of Civil Defense, is closely monitoring the situation in Mindanao following the strong earthquake that happened this morning,” sabi ni Panelo.

“We ask our citizens to remain calm but vigilant and we urge them to refrain from spreading disinformation that may cause undue alarm, panic and stress to many people. We also urge them to monitor developments through the alerts and bulletins of official govenerment channels,” ayon pa kay Panelo.

Read more...