LPA lumabas ng PAR

LUMABAS na ng Philippine Area of Responsibility ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sa ulat ng PAGASA, ang LPA ay magiging bagyo habang tinatahak ang direksyon patungong Vietnam.

Kaninang umaga ito ay nasa layong 470 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam kahapon. Mula sa 185.28 metro noong Lunes ng umaga ay umakyat ito sa 185.42 metro.

Nagbawas ng suplay ng tubig sa Metro Manila upang umabot ito hanggang sa tag-ulan ng susunod na taon.

Read more...