KOREAN word of the day: “Itta bwayo” – sa Ingles ito’y “see you later” at “kita tayo mamaya” naman sa Tagalog.
q q q
Balik-teleserye ang magaling na Korean actress na si Ha Ji Won makalipas ang tatlong taon. Siya ang bibida sa Chocolate kung saan makakasama niya ang equally talented na si Yoon Kye Sang.
Kwento ang Chocolate ni Lee Kang (Kye Sang), isang guwapo at matalinong neurosurgeon pero bato ang puso.
Gaganap naman si Ji Won bilang Moon Cha Young, isang talentend na chef na lumahok sa mga world internatonal competitions sa Italy.
Isa rin siyang mapagmalasakit na chef sa kanyang mga kaibigan at katrabaho.
Magkukrus ang landas ng dalawang bida sa isang hospice ward at magkakasundo sa pamamagitan ng pagluluto.
Kabilang sa mga hit drama ni Ji Won ang Empress Ki (2013), Something Happened in Bali (2004), Secret Garden (2010), The King 2 Hearts (2012) at Hospital Ship (2017).
Napanood naman si Kye Sang sa Flying Boys (2004), My 19 Year Old Sister-in-Law (2004), Who Are You? (2008), Crazy for You (2007), The Moonlight of Seoul (2008) at The Executioner (2009).
Mapapanood na ang Chocolate sa Nob. 29 na siyang papalit sa timeslot ng My Country.