Duterte inatasan ang NBI na siyang mag-imbestiga sa pagkamatay ng mayor ng Misamis Occidental | Bandera

Duterte inatasan ang NBI na siyang mag-imbestiga sa pagkamatay ng mayor ng Misamis Occidental

- October 28, 2019 - 06:21 PM

RODRIGO DUTERTE

INATASAN  ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na siyang mag-imbestiga sa pagkamatay ni Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Sa isang ambush interview, ipinag-utos ni Duterte sa Philippine National Police (PNP) na itigil ang imbestigasyon at hayaan ang NBI na siyang humawak sa kaso ni Navarro.

“Mas gusto ko na NBI na lang para…kasi nung nangyari yan kasama pulis, to make it really fair. I’d like to order the police to the terminate the imbestigation and hand it to the NBI whatever documents and/or proof of evidence in their hands,” sabi ni Duterte.

Kinumpirma ni Duterte na bago ang pagpatay kay Navarro nakausap pa niya ito.

“He was my supporter. sumuporta siya sa akin. (He said) somebody is out to get him,” ayon pa kay Duterte.

Kinuwestiyon din ni Duterte kung bakit nangyari ang pananambang kay Navarro habang nasa ilalim siya ng kustodiya ng mga pulis.

“Namatay siya under the custody of the PNP kaya nga ang sinasabi ano ang ginawa ng PNP? baka sila ang pumatay, eh sila yung malapit,” ayon pa kay Duterte.

Tinambangan si Navarro ganap na alas2:30 ng hapon noong Biyernes habang papunta sa Cebu City Prosecutor’s Office kung saan nakataksa sana ang inquest proceedings laban sa kanya matapos na kasuhan dahil sa insidente sa loob ng isang massage parlor sa kahabaan ng Fuente Osmeña Ave.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending