Unused VL, SL convertible to cash!

PAPALAPIT na ang Christmas season. Isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang Christmas bonus at ang mandatory thirteenth month pay na usually ibinibigay naman ng nakararaming employers.

Pero alam n’yo ba na pwedeng i-convert sa cash ang mga unused sick and vacation leave ng mga rank-and-file employees?
Kadalasan kasi, sa dami ng ating trabaho, kaliwa’t kanang utos ni boss, at dedication at loyalty sa ating trabaho, nakakalimutan nating i-avail ang vacation leave at maging sick leave.

Companies are required by law to provide a yearly minimum standard of five days each for sick and vacation leave for every employee. Then, most companies add one day to both sick and vacation leave for every one year of service rendered to the companies.

Employers are converting these unused sick and vacation leaves into cash as part of incentives and saying thank you to their loyal and dedicated employees.

Sa mga employees, lambingin na si boss at magparamdam na.. Maari mong i-post ito sa inyong company social media accounts gaya ng Viber o Facebook. Minsan kasi sa dami ng inaatupag ni boss di nya namalayan Christmas na pala. There’s no harm in trying!

Sa ating texter na kasambahay na may hugot sa kanyang employer na hindi naghuhulog sa kanyang contribution, mahinahon nating kausapin ang amo at ipaliwanag na responsibility nya ang monthly hulog ng iyong Social Security System (SSS).

Gawin natin ito nang maayos para hindi siya ma-offend at ikaw ay tanggalin. Ang ideal na gagawin ay ipagbigay alam natin sa SSS public affairs at sila na ang kakausap sa amo mo upang di naman sumama ang relasyon ninyong dalawa.
Maari mong ibigay ang iyong complete name, address at contact number at ibigay natin sa SSS for their action.

Read more...