3 nasawi sa sunog sa QC

TATLO ang nasawi sa isang sunog sa Quezon City ngayong umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jovilyn Ralya, live-in partner nito na si Arvie Delfinado at dalawang taong gulang nilang anak na si Jhayl Arvi.

Maga-alas-2 ng umaga ng sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay sa Maligaya st., Brgy. Pasong Putik.

Nasunog ang mga bahay at mga kainan sa lugar at naapula ang apoy bago mag-alas-3 ng umaga. Umabot ito sa ikalawang alarma.

Tinatayang 12 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog. Inaalam pa ang sanhi ng apoy.

Read more...