DAHIL National Breast Cancer Awarenes Month ngayong Oktubre, minarapa, narito ang listahan ng ilang celebrities na nakipaglaban sa breast cancer at itinuturing na survivors ng Big C.
Maritoni Fernandez — Nadiskubre ni Maritoni Fernandez ang pagkakaroon ng breast cancer sa edad na 30 taon. Sumailalim siya sa lumpectomy (pagtanggal ng bukol lamang) sa United States. Sa edad na 50 (Marso 31, 1969), nagsisilbi si Maritoni ngayon bilang spokesperson para sa mga breast cancer patients at survivors hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
Bibeth Orteza Siguion-Reyna — Taong 2004 nang malaman ng actress-scriptwriter na si Bibeth Orteza Siguion-Reyna na siya ay may stage 3 breast cancer noong Nobyembre 2004. Hindi agad na-detect ang kanyang breast cancer sa kabila ng isinagawang mammography, bagamat kumuha siya ng second opinyon kung saan ito nakumpirma. Sumailalim si Bibeth sa mastectomy (pagtanggal sa buong breast).
Lara Melissa de Leon — Stage 2B breast cancer naman ang dumapo sa aktres na si Lara Melissa de Leon noong Disyembre, 2006 kung saan tatlo na ang anak niya nang madiskubre ito. Sumailalim din si Melissa sa mastectomy.
Angelina Jolie —-Sumailalim ang Hollywood actress na si Angelina Jolie sa reventive double mastectomy noong 2013. Bagamat hindi pa siya nada-diagnose ng breast cancer, sinabi ng kanyang doktor na 87 porsyento ang tsansa na magkaroon siya ng Big C. Namatay ang kanyang nanay, lola, at tita dahil sa breast cancer.
Glenda Garcia —Taong 2013 nang madiskubre ang breast cancer ni Glenda Garcia, kapatid ng aktres na si Melissa Mendez. Kahit zero stage pa lamang ito, minarapat ni Glenda na ipatanggal na ito.