MAGIGING tatay na ang Kapamilya actor na si Baron Geisler.
Ibinandera ng award-winning character actor ang good news sa kanyang Facebook at Instagram account kalakip ang litrato ng ultrasound result ng kanyang asawang si Jamie Evangelista.
Kasabay nito, hiniling din ni Baron sa kanyang social media followers na ipagdasal ang kaligtasan at kalusugan ng kanyang mag-ina.
“With a grateful heart, I introduce our lil’ princess beanie, Talitha Cumi. Coming out in Feb 2020.
“Please help me pray for mommy and baby’s health and safe delivery.
“Thank You Lord for this priceless blessing and answered prayer. Love you Jamie Marie!” caption ng aktor sa kanyang IG post.
Ikinasal sina Baron at Jamie sa huwes noong Sept. 13 na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Nagkakilala ang mag-asawa ilang taon na ang nakararaan sa isang rehabilitation center kung saan nagpagamot si Baron dahil sa pagiging adik sa alak.