SA Quezon tumaya ang nanalo ng P88.941 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 45-25-50-10-15-05.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.
Nanalo naman ng tig-P21,500 ang 40 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P460 naman ang 1,480 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 17,155 mananaya na nakatatlong numero.
Ang premyo na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
MOST READ
LATEST STORIES