MUKHANG imposibleng mangyari sa magkapatid na Anne at Jasmine Curtis ang iskandalong kinasasangkutan ngayon ng Barretto sisters.
Sa nakaraang presscon ng latest movie ni Jasmine na “Cara X Jagger” kung saan makakatambal niya si Ruru Madrid, natanong ang Kapuso actress kung nangyari na ba sa kanila ni Anne ang pag-away-away nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.
Medyo napaisip muna si Jasmine bago sumagot sa tanong kung nag-away na ba sila nang matindi ng kanyang ate. Ayon sa dalaga, totoong nagkakaroon din sila ng tampuhan at samaan ng loob pero hindi na nila ito ipinagsasabi sa ibang tao.
“The thing is, kami talaga ni Ate, as much as possible, hindi namin ipinapaabot kahit kanino, kahit friends. As much as possible, kahit sa sarili naming mga management.
“Kumbaga, kung sino lang yung involved sa problema, kami-kami lang talaga.
“And bihira kaming magkaroon ng problema sa aming dalawa ni Ate or even yung mga kapatid ko, either above 40s na or younger than me also, and ang agwat din namin ni Ate is nine years.
“So, hindi pa rin talaga kami nagkakaroon ng chance na mag-away. Wala, my God! Kahit kurot-kurot ng kili-kili, walang ganoon!” ang sagot ni Jasmine nang matanong kung nagsabunutan na rin ba sila ni Anne dahil sa hindi pagkakaintindihan.
“Wala kasi kaming ganoong tipo ng away ni Ate. Parang ano lang, siguro mabibilang mo sa isang kamay.
“Three times lang kami siguro nagkaroon ng problema ni Ate, and that’s small or tampo lang. Hindi siya yung tipong lumaki, so wala, as in ang hirap sagutin kasi wala.
“Hippies kami ni Ate, peace, love, and happiness lang. Sorry, ha, wala kayong masasagap na isyu sa akin. Masyado kaming peaceful,” natatawang chika pa ng award-winning actress.
Samantala, makakasama rin nina Jasmine at Ruru sa “Cara X Jagger” sina Michelle Dee, Sophie Albert, Gabby Padilla, Kenneth Medrano, Dante Rivero, Dino Pastrano at Miko Raval, sa direksyon ni Ice Idanan. Showing na ito sa Nov. 6 sa mga sinehan nationwide, mula sa APT Entertainment at Cignal Enterntainment.