Relasyong Vice-Ion tanggap na ng madlang pipol; susunod na ang bonggang kasalan

LOVE wins. Ito ang nangyari kina Vice Ganda at Ion Perez.

Last Saturday, Vice and Ion just confirmed what everyone is talking in muted conversation – that they are a couple.

“Siguro bonus lang na naging Vice Ganda, pero yun talaga yung minahal ko – si Tutuy.” That was Ion’s pag-amin sa toprating noontime show na It’s Showtime.

Before that, nauna nang nagpahayag si Vice ng pagiging in love, “Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin ‘yung sarili mo na kaya mo mag-isa.

“In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong. Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa.”

“At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

“At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa. Meron na akong katuwang sa buhay.” That was Vice Ganda’s statement as reported by a website.

Of course, it resulted in the audience’s clapping and shouting. Obviously, marami ang natuwa sa pag-amin ng TV host. Now that they’re official, mag-guest na kaya sa Gandang Gabi, Vice si Ion?

Marami naman ang na-happy sa pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon.

“Love love love….wag na tayong maging nega sa lovelife ng iba. God bless.”

“You deserve to be happy Vice! Antagal mong hinintay yan kaya enjoy lang! So tuloy na ang kasalan!”

Read more...