Overwhelmed si Christian Bables sa karangalang ibinigay sa kanya na Bright Star Award sa 2019 Asian Pop-Up Cinema for his sterling performance sa pelikulang “Signal Rock.” Personal na tinanggap ni Christian ang kanyang award sa Chicago, USA kamakailan.
“Last August tinawagan ako ng Regal Films, nina Ma’m Roselle (Monteverde), ‘Christian, you won an award, sa Chicago.’ I went there without any expectations. Akala ko simpleng awarding. Pero ang laki-laki palang event,” kwento ni Christian.
Three-day event pala siya na ang highlight ay si Christian lang, “Yung three-day event ano siya, isang gabi na screening. Screening for ‘Signal Rock’ lang. And then, may Q&A. May isang araw allotted for the Hollywood press. Ang nag-interview sa akin mga taga-Hollywood. Then, isang araw ‘yung awarding. And hindi ko ine-expect na grabe ‘yung magiging pagtanggap ng mga Americans.”
Ang “Signal Rock” ay mula sa direksyon ni Chito Roño at isa sa official entries noong 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan si Christian din ang nanalong Best Performance by an Actor.
“Maraming films from different countries ang pinagpilian, 12 films. Dalawa lang ‘yung award na ibinigay nila, Lifetime Achievement Award na ibinigay nila sa isang direktor sa Hongkong, and then, eto na, Bright Star Award. Awa ni God, ako ‘yung nakakuha,” aniya pa.
Asian Pop-Up Cinema is an annual event in Chicago. Nag-i-invite sila ng films from different countries at saka nila nire-review, “The founder herself, Miss Sofia Boccio, napanood daw yata nila ang ‘Signal Rock’ nu’ng nag-screen kami sa Italy. Tapos doon niya nakita ‘yung performance ko. Tapos ‘yun na po.”
Ang Bright Star Award ang kanyang ikalawang international Best Actor na nakuha mula sa pagganap niya sa “Signal Rock.” Last year, nanalo rin siya ng Best Actor sa Hanoi Film Festival.
Christian is being managed by Asian Artist Agencey. For inquiries, please call (02) 88554765 or (02)34054423.