Kaaliw ang mga guest co-host nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa episode ng Kapamilya morning show na Magandang Buhay last Thursday.
Ang mga komedyanteng sina Lazzie Marquez, MC Calaquian at Kalad Karen ang nakasama ni Jolina sa pag-iikot sa tiangge ng Taytay, Rizal.
Solo flight si Jolens sa Taytay at ‘di nakasama si Melai. Waley din ang isa pa nilang momshie na si Karla Estrada. Pero nakeri naman ni Jolens ang tsikahan kahit mag-isa lang siya. Masaya naman kasing kasama sina Lazzie, MC at Karen kaya mas nakakaaliw panoorin.
Teka, nasasan ba si Karla? Hindi kaya busy with “something?” Baka naman inaayos na ang wedding nila ng kanyang mysterious non-showbiz boyfriend?
May mga kumakalat kasing balita na seryosohan na raw ang relasyon ng nanay ni Daniel Padilla sa kanyang BF kaya hindi imposibleng sa kasalan na nga mauuwi ang kanilang pagmamahalan. At mukhang hindi naman tututol si DJ sakaling mag-decide na ngang magpakasal ang kanyang Queen Mother.