Teejay Marquez: Ang sarap kaya ng may nagpapantasya sa iyo!

TEEJAY MARQUEZ

Natanong ang tungkol sa pag-a-upload ng ilang artista ng mga litrato nilang naka-two piece sa social media at ano ang pakiramdam nilang pinagpapantasyahan sila ng mga nakakakita nito.

Naunang sumagot si Teejay Marquez na mahilig mag-post ng mga litrato at video na tila tinatakam ang mga babae’t beki. Natawa muna ang aktor sabay sabing, “Natutuwa ako kasi ‘yung mga estudyante puro pa-cute lang, so kapag nakakakita na sila ng kahalayan sa akin nakakatuwa na sabi nila, ‘Uy puwede na siya, sexy na siya. Feeling ko tumatanda ako and I take it positively. Sarap kaya ng pinagpapantasyahan, kasi ako nagpapantasya rin ako sa mga crush ko.”

“Ako naman po, if ever mag-post ako ng naka-bikini at may comment sila (netizens), sasabihin ko sa sarili ko na, ‘okay kang ma-hurt kasi ipinost mo ‘yan, eh. Ikaw may gusto niyan at naka-public ang account mo.’ Open silang mag-comment at kahit hindi mo gustong mabasa, mababasa mo pa rin, kaya dedma na lang,” pahayag ni Barbie.

Para naman kay Elisse, “We’re responsible for what we post, kaya anuman ang sabihin nila (netizens/bashers), tanggapin mo pero dapat may hangganan din kung ano ‘yung gusto mong i-post.”

Anyway, napapanood na ang “You Have Arrived” sa iWant produced by Rein Entertainment and Cinebro Films/ABS CBN Films.

Read more...