“BUHAY na buhay ako!”
‘Yan ang ipinagsigawan ni Shaina Magdayao sa kanyang social media account para sa lahat ng nagtatanong kung totoong patay na siya.
Kumalat kasi ang fake news na namatay na siya. Dead on arrival daw siya sa isang ospital dahil sa sakit na”hypothyroid.”
Nag-alala siyempre ang ilan sa kanyang fans and social media folowers pero agad namang nakumpirma na peke ang balita na ginamit pa ang GMA News bilang website na nagbalita nito.
Nag-post si Shaina ng kanyang litrato sa Instagram at Twitter na may caption na, “Im baaaccckkk! Or should I say, I’m A L I I I I VE [lauging emoji] and oh so ready for SCORP SEASON and my 30th!!!
“How refreshing to be off socmed for a while. Missed you too, IG world!
“Taken a few days ago for something thats coming out SOON!”
Bago kumalat ang fake news ng pagkamatay ni Shaina, napanood pa siya sa final episode ng daytime series ng ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit.
At mula nga noon, hindi na masyadonmg nagpo-post ang Kapamilya actress sa kayang IG, ang huli pa niyang paramdam ay noon pang Sept. 14.
Pero kagabi nga ay nagbalik na ang dalaga sa Instagram at dito na niya ibinandera sa madlang pipol na buhay na buhay siya kalakip ang ilang pictorial photos para sa bago niyang project.
Magse-celebrate na ng kanyang 30th birthday sa Nov. 6si Shaina.