NANANATILING mapagmasid ang pamahalaan hinggil sa nagtatagal na mga kilos-protesta sa Hong Kong.
Sa panayam ng Bantay OCW, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Radyo Inquirer na walang deployment ban na ipinatutupad ang pamahalaan upang hindi na makapagpadala ng mga OFW sa Hong Kong.
Patuloy pa rin umano ang pagpoproseso ng mga dokumento ng OFW papunta roon at umuuwing mga OFW naman sa Pilipinas para sa kanilang pagbabakasyon.
Nananatiling ligtas ang ating mga kababayan dahil sumusunod sila sa mga instruksyon at tagubilin ng ating konsulado. Hindi sila nagpaabot ng gabi sa lansangan at hindi na rin nagtutungo kung saan-saan tuwing kanilang day off.
Iyan nga raw ang susi ng kanilang kaligtasan, at siya ring dahilan kung bakit hindi inihinto ang deployment sa HK.
Samantala, may ilang nangangamba na maaaring mawalan ng trabaho lalo pa kung dayuhan din ang kanilang employer o mga expat na pipiliin na lamang na bumalik ng kanilang bansa.
Kung ganito ang kaso, hindi na kontrolado ito ng OFW at hahanap na lamang siya ng kapalit na employer kung nais pa rin niyang sa Hong Kong magtrabaho.
Ang mahalaga pa rin, ligtas sila at napapangalagaan pa rin ang kanilang mga buhay.
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.