Gretchen inakusahan sina Marjorie at Julia: Binayaran ang hospital bill ng ama kapalit ng bahay sa Subic


MAY bago na namang pasabog si Gretchen Barretto laban sa mag-inang Marjorie at Julia Barretto.

Isiniwalat ni Gretchen sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories na gusto umanong angkinin ni Marjorie ang bahay ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto na matatagpuan sa Subic, Zambales.

GRETCHEN, JULIA AT MARJORIE BARRETTO

Ayon sa rebelasyon ni Greta, binayaran daw nina Marjorie at Julia ang hospital bills ni G. Barretto ngunit may kapalit, ito nga ang pag-aari nitong bahay sa Subic.

Kung matatandaan, na-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig ang tatay nina Gretchen, Marjorie at Claudine matapos magkaroon ng heart attack.

Ayon kay Gretchen, “Ask Marjorie itchie-very.

“How much did you contribute to pay for the hospital bill of dad? 50k Julia? 500k.

“But you asked for pikey subic home in return for the 500k,” pahayag ni Greta. Ang tinutukoy niyang Pikey ay ang tatay nilang si Miguel Barretto.

Hirit pa ng partner ni Tony Boy Cojuangco, “He was still alive & you wanted to take his home to pay st. lukes.

“That’s not love

“That’s not helping

“Last few days of your lolo pikey life, you wanted his home to the tune of 500k.”

Hindi nakadalaw si Gretchen sa kanyang ama habang nakaratay ito sa ospital dahil alam niyang hindi ito magugustuhan  ni Marjorie dahil galit na galit nga ito sa kanya.

Pero sa unang gabi ng burol ng ama, pumunta nga si Gretchen at doon nga sila nagkaayos ng inang si Inday Barretto pero nagresulta rin sa rambulan at iskandalo nang magkrus ang landas nila ni Marjorie.

Wala pang sagot ang mag-ina sa bagong paratang ni Gretchen. Bukas ang Bandera sa panig nina Marjorie at Julia para maipaliwanag ang tungkol dito.

Read more...