Mega Lotto jackpot lalapit sa P100M

INAASAHANG lalapit sa P100 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 matapos hindi tamaan noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 06-21-43-07-29-37.

Umabot sa P91.5 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto sa huling bola.

    Nanalo naman ng tig-P50,000 ang 13 mananaya na nakalimang numero. Tig-P790 naman ang 1,124 mananaya na nakaapat na numero at balik ang p24 taya ng 21,582 mananaya na nakatatlong numero.

Hindi rin tinamaan ang P85.1 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.

Pito ang nanalo ng tig-P98,060 na nakalimang numero. Tig-P1,620 naman ang 337 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 8,036 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...