‘Holding hands’ photo nina Atong Ang at Greta sa eroplano viral na

GRETCHEN BARRETTO AT ATONG ANG

NAG-VIRAL sa social media ang litrato ni Gretchen kung saan ka-holding hands niya ang businessman na si Atong Ang. Kuha ang nasabing photo sa loob ng eroplano habang natutulog ang dalawa.

Sa kanyang Instagram Stories pa rin, ni-repost ni Greta ang viral photo na may caption na, “Unaware I crossed s bit over a bit much. This photo was sent through direct message … It is clear I was asleep on a plane ride.”

Tungkol naman sa iba pang mga litrato nila ni Atong Ang na magkasama sa airport at sa loob ng eroplano, ito lang ang nasabi ni Greta, “Nothing wrong with these photos. Fully clothed, no naked photos like of (Marjorie itchie-very).”

Kumalat ang mga litrato nina Gretchen at Atong sa social media matapos sagutin ng aktres ang mga pasabog ni Marjorie tungkol sa kapatid at sa nangyaring rambulan sa burol ng kanilang amang si Mike Barretto.

May ilang netizens ang nagkomento na baka raw sa kampo nina Marjorie at Julia galing ang mga viral photos nina Atong at Gretchen para patunayan ang kanilang relasyon.

Read more...