Gretchen na-bad trip sa pagkampi ni Ruffa kay Julia: Sawsaw pa more! Take it, take it!

GRETCHEN BARRETTO AT RUFFA GUTIERREZ

PALABAN at mukhang walang balak umurong sa laban si Gretchen Barretto.

Pati ang mga celebrities na nagpo-post ng kanilang mensahe tungkol sa iskandalong kinasasangkutan ng Barretto sisters ay sinasagot ni Greta.

Sa kanyang Instagram Stories ipinost ni Gretchen ang screenshot ng litrato ng pamangkin niyang si Julia Barretto na may caption na, “Goodmorning selfies.” Isa sa mga artistang nag-comment dito ay si Ruffa Gutierrez.

Mensahe ni Ruffa sa IG post ni Julia, “Freshhhhhh (starstruck emojis).”

Nang mabasa ito ni Gretchen, agad niyang ni-repost ang comment ni Ruffa at binilugan pa ito. Nilagyan niya ito ng caption na, “Sawsaw pa more. Ruffy!! take it take it. WOW!!”

 

Ilang sandali lang ang nakalipas, nag-post din si Ruffa ng kanyang litrato with a cryptic message sa kanyang IG account. Aniya, “The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF.”

Gumamit pa siya ng glowing star at sparkle emojis, na may hashtags na “#HappyLife #HappyGirl #PositiveVibes.”

Samantala, sinabihan naman si Ruffa ng kanyang inang si Annabelle Rama na huwag nang patulan ang mga patutsada sa kanya at nasasayang lang ang kanyang oras. “Tama, huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!” post ng nanay ni Ruffa.

Sagot naman ng aktres sa kanyang ina, “@annabelleramaig is this really you mother dear? I love you too awwww? THANK YOU. #family.”

Kung matatandaan, naging kontrobersyal sina Gretchen at Ruffa nang masangkot sa 1994 Manila Film Festival scandal. Ito ‘yung eksena kung saan sa halip na si Aiko Melendez ang nanalong Best Actress, ang pangalan ni Ruffa ang binasa ng presentor na si Miss Mauritius 1993 Viveka Babajee.

Inimbestigahan ang nasabing filmfest scam kung saan naging star witness pa si Gretchen. Ang ending isinauli ni Ruffa ang kanyang award.

Read more...