Lyrics video ng ‘Anestisya’ ng JBK aabot na sa 100K views


MASAYANG-MASAYA ang millennial trio na JBK (Joshua Bulot, Bryan del Rosario, Kim Ordonio) sa napakainit na pagtanggap ng OPM lovers sa kanilang latest song na “Anestisya.”

Patuloy itong nire-request sa mga FM stations sa bansa na talaga namang nakaka-LSS (last song syndrome) . Sa katunayan, ito ang most wanted song ngayon sa Barangay LS, Win Radio at Wish FM.

Hindi pa man nakakaisang buwan simula nang i-release ito noong Oct. 4 ay humataw na agad ito sa mga radyo.

“Sobrang happy kami sa natatanggap naming positive reactions mula sa mga tao. Sabi nila, talagang nakaka-relate sila sa lyrics ng song. Ang sarap ng feeling na ganu’n ang pagtanggap nila sa bago naming kanya. Kaya ang dasal pa namin ay mas marami pang tao ang makarinig ng ‘Anestisya,’” pahayag ni Joshua.

Sabi naman nina Bryan at Kim, mas na-inspire pa sila lalo na maging masipag sa pagpo-promote ng bago nilang single.

Ani Kim, “Pag may mga nag-iinterview sa amin, ‘Uy, bakit Anestisya?’ Parang may something na agad, nagagandahan sila sa title.”

Dagdag ni Bryan “Almost all radio stations, approved siya agad including Barangay LS. Malakas siya sa LS. As in the first week that we released it, Most Wanted na siya agad. Intriguing kasi ‘yung lyrics ng kanta.”

Nakilala ang JBK sa X-Factor UK 2017 matapos silang purihin ng TV producer na si Simon Cowell. Umabot ang grupo hanggang semi-finals.

Ang “Anestisya” ay isinulat ni Jojo Panaligan and produced by Lester Ramos ng Rider PH Studios.
Almost 100,000 views na ang hinamig ng lyrics video ng “Anestisya” na mapapanood pa rin sa YouTube channel ng Rider PH Studios.

Pwede ring mapakinggan ang nasabing kanta sa Spotify, iTunes, at iba pang digital music platforms.

Read more...