CEBU CITY—Patay na nang matagpuan ang lalaki na nahulog sa puno ng niyog sa Naga City, Cebu kaninang madaling-araw.
Kinilala ni SSgt. Nikkin Carlo Plarisan, Naga Police Station desk officer, ang biktima na si Delsmon Visman, 61, ng Sitio Ugan Dos, Brgy. Lutak,
Sinabi ni Plarisan na umuwi ng bahay si Visman mula sa birthday celebration ng kaanak Martes ng gabi.
Pinakiusapan ng kanyang misis si Visman na huwag nang manguha ng niyog dahil nakainom. Hindi naman nakinig ang lalaki.
Ayon sa imbestigador, sinabihan ng kanyang misis si Visman na huwag nang manguha ng niyog dahil mukhang lasing na ito pero hindi nakinig ang b iktima.
“He really climbed the coconut tree and this morning, he was found dead under the tree,” aniya.
Hinala ng pulisya nahulog ang biktima sa taas na 40 talampakan, na kanyang ikinamatay.
Ayon pa kay Plarisan, iimbestigahan nila ang kaso kahit maliit ang tiyansa na may foul play sa pangyayari.