Kuntento na sa pamilya, kaibigan

MAGANDANG araw, ateng Beth.
Hihingi po sana ako ng advice. Ako po si Kate, 24 years old from Davao City.
Tama po kaya itong nararamdaman ko ngayon. Feeling ko di ako capable magmahal ng ibang tao. Para sa akin sapat na ang pamilya at mga kaibigan ko ang mahalin ko. Ayaw kong magka-boyfriend.
Ang kaso po may isa akong kaibigan na nanliligaw sa akin, matalik na kaibigan ko pa. Ano kaya ang mainam kong gawin?
Kate

Magandang araw din sa iyo, Kate. Thank you sa pag-share ng problem mo kung problem man talaga ito para sa iyo.
Nakakatuwa kasi na kuntento ka sa iyong pamilya at mga kaibigan kaya di na kinukonsidera ang magmahal ng iba.
That’s actually a healthy sign of your well-being.
Sa totoo lang, ang pagmamahal naman sa opposite sex ay hindi pinaplano at kusang dumarating. Sabi nga nila, the right person will find you and you will find that person lovabale. This person is someone whom you can share a future with.
Maaaring hindi pa ngayon, at maaaring hindi rin kay bestfriend. Pero bata ka pa at marami pa ang pwedeng mangyari. Napakadami mo pang pagdadaanan sa buhay.
Who knows, may bigla na lang magpapatibok sa natutulog mong puso? Sa tingin ko, just continue to love your family and friends, once you feel there is someone who deserves your love too, then give that person a chance.
Mas masaya at lalo ka pang gaganahan sa buhay lalo na kapag nakahanap ka ng taong mamahalin. Trust me.

Read more...