5k trabaho sa Europe para sa Pinoy

MANGANGAILANGAN ng 5,000 bagong trabaho sa Europe kaya malaking oportunidad ito sa mga manggagawang Pilipino.

Ito ay base sa ulat ng Department of Labor and Employment.

Nais ng bansang Slovenia na humingi ng pahintulot sa Pilipinas kaugnay sa pagpapadala ng nasa 2,000 hanggang 5,000 skilled at semi-skilled na manggagawa upang mapalakas ang kanilang workforce. Kahalintulad din ito sa mga oportunidad na ibinibigay ng Russia at Canada sa mga Pilipinong manggagawa.

Ang kahilingan ay ginawa ng mga opisyal mula sa Slovenia.

Kabilang sa mga trabahong bubuksan sa mga Pilipino ay mga health care worker, nurse, engineer, truck driver, heavy machine at equipment operator, at household service worker.

Maganda rin ang suweldo sa Slovenia kung saan ang mga kuwalipikadong manggagawa ay maaaring makatanggap ng minimum wage na $1,000.

Ang suweldo ay mas mataas kumpara sa Middle East. Sa Saudi Arabia, aabot lamang ng $400 ang buwanang sahod. Sa Slovenia, maaari itong umabot sa P50,000 hanggang P75,000 sa oras na magkaroon na tayo ng bilateral agreement at mapagkasunduan ang mga probisyon at template contract.

Bubuo na rin siya ng technical working group na siyang makikipag-usap ukol sa mga probisyon ng kasunduan at upang matiyak ang proteksyon at kaligtasan ng mga OFW.

Tinatayang aabot ng hanggang tatlong buwan ang paglikha ng nasabing bilateral agreement.

Ang mga klase ng trabaho at requirement at isasapinal sa oras na matapos ang bilateral agreement. Isa naman ang English language proficiency sa mga magiging kuwalipikasyon para sa mga nais mag-aplay.

Ngunit sa kasalukiuyan ay hindi pa nagsisimula ang pagtanggap ng mga aplikasyon.

Inaabisuhan ang publiko na hintayin ang pormal na anunsyo na magsisimula na ang pagtanggap ng aplikasyon.

Mag-ingat at magtungo muna sa DOLE o sa POEA upang matiyak ang pagiging lehitimo ng inyong mga recruitment agency at job order na kanilang inaalok. Ang ibang mga ahensya ay patuloy pa rin sa kanilang operasyon kahit pa sila ay suspendido.

Paul Ang
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...