PAGKATAPOS upakan ang pamangkin na si Nicole Barretto, may banat muli si Gretchen Barretto sa isa pa niyang pamangkin na si Julia Barretto.
Bago magtungo sa Amerika para bisitahin ang anak na si Dominique Cojuangco, nag-post pa si Gretchen sa kanyang Instagram para asarin ang anak ni Marjorie.
Ayon kay Greta, ito na ang tamang panahon para baguhin ni Julia ang apelyido niyang “Barretto” at gamitin ang “Baldivia”, na siyang tunay na surname ng tatay niyang si Dennis Padilla.
“Ang bait mo ngayon kung kay [Dennis] ka lumaki,” hirit pa ni Greta.
Bago ito, pinayuhan din niya ang pamang-kin na totoong mahalin ang kanyang tatay, “Love your father, not only when you need him for publicity.”
“Respect those who gave you a good life. Only then, you can say you are successful,” aniya pa.
Sa panayam naman kay Julia, ayaw na nitong magdetalye tungkol sa nangyaring gulo sa burol ng kanyang lolo na si Miguel Barretto, “Despite all these false accusations targeted at me and all the lies being spread about my family and me.
“I will exclude myself from a battle that is not mine, but I will still stand by my mom and will be there for her no matter what happens,” aniya pa.
***
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang sagot si Marjorie sa sinabi ni Gretchen na siya ang dahilan kung bakit inatake ang kanilang ama.
Isang netizen kasi ang nagkomento sa mga litrato na ipinost ni Claudine sa Instagram na kuha sa 82nd birthday celebration ni Miguel Barretto.
“Pansin ko lang last birthday ni Daddy Mike, wala si Mommy Inday. Hinahanap ko siya sa post ni Marjorie,” tanong ng IG follower ni Claudine. Na sinagot naman ni Gretchen ng, “Because Marjorie did [not] invite my Mom to the gathering & thats what caused my Dads attack.”
Bago ito, noong Oct. 6, nag-post si Marjorie ng mga litrato na kuha rin sa birthday ng ama. Aniya, noong araw na iyon ay isinugod sa ospital ang ama matapos sumama ang pakiramdam. Narito ang bahagi ng caption ni Marjorie.
“Exactly one week ago today, we were celebrating my Dad’s 82nd birthday over lunch in my house. Right after the blowing of the candles on his cake, he took a nap and felt very ill. My siblings and I rushed him to the nearest hospital, I could say it say it was the scariest time for us all.
“After that day, it’s been a series of ambulance transfer, family meetings, non stop praying, and big family gatherings at the ICU waiting area. All throughout this ordeal, a lot of love and support has been shown to us, most especially to our wonderful Dad,” aniya pa.
“I’m just feeling sad today, realizing its been a week, and I guess we are all emotionally and physically tired, but our faith, hope and unity as a family is stronger than ever. May I kindly ask for more prayers for our Dad. That he gets better soon. And that God willing, we get to spend more birthdays with him????”
Bukas ang pahinang ito para sa panig ni Marjorie. Siguradong may sagot ang nanay ni Julia sa paratang ng kapatid.