Boy Abunda may 3 ‘baon’ bilang judge ng Your Moment

BOY ABUNDA

More than a decade nang naging judge si Boy Abunda sa isang reality show, ang Star Circle Quest.

Now, he’s one of the judges sa bagong reality talent program ng Dos, ang Your Moment. Kasama niya bilang judge sina Nadine Lustre at Billy Crawford.

In terms of his judging style, tito Boy said na there are changes, “May mga nabago. Noong panahong ginagawa namin ang SCQ ay iba ‘yung pamamaraan ng pagdya-judge. May mga nabago. Pero hindi naman giveaway. Hindi ako nagbibigay ng zero dahil sinala nang mabuti ang mga contestants sa Your Moment.

“Mayroon na silang mga pinagdaaanan. Ang importante na sinasabi ko, ako ang baon ko ay ang karanasan ko bilang manager, bilang talk show host, bilang fan. Doon nanggagaling ang komentaryo ko,” he said.

Tito Boy stressed na there is importance in the combination of three judges as they are coming from other fields of expertise.

“Importante ang kombinasyon namin. ‘Yung contest kasi grupo, eh. Iba ‘yung performance when you perform as a solo, as a soloist as opposed to when you perform with someone or with a group. Doon kami tumitingin kay Nadine. How was that experience being part of a girl group kasi iba ‘yung performance.

“Ako ang baon ko ay mahilig ako sa kuwento. Gusto ko ‘yung nagkukuwento sa akin. Sayaw, kanta, gusto ko ay nauunawaan ko kung ano ang gusto mong ikuwento sa akin bilang isang tagahanga,” paliwanag niya.

Read more...